Golfer
February 22, 2009Golfer |
May tatlong golfer, Doctor, Pari at Abogado ang maagang naglalaro. Sa unahan, may naglalaro rin pero mabagal. Sa inip nila, tinawag ang Greens Keeper para agreklamo. Doc: " Ano ba ang problema at ang babagal ng mga nauna sa amin." Greens Keeper: "Boss, sorry po dahil 'yung nasa unahan ay mga bulag na Bombero. Nabulag sila dahil sa maagap na pagpatay ng sunog doon sa Paaralan ng mga bata. Dahil sa magiting na ginawa ng mga bombero, palagi po namin pinapaglaro ng libre dito sa golf course." Dahil sa sinabi ng Greens Keeper, medyo natahimik an tatlo. Pari: "Naku, nakakaawa naman pala ang nangyari sa kanila. Mamayang gabi, ipagdadasal ko sila." Doc: "Aba, magaling na idea iyan. Bukas, tatawagin ko ang Ophthalmologist at baka sakali may maitutulong pa siya doon sa mata ng mga Bombero." Abogado: (Inis pa): Bakit hindi na lang sila maglaro sa gabi!" |
Posted by rene Gerardo. Posted In : Pinoy Jokes